Karapatang Pansahod

Sa Estados Unidos, ang mga manggagawa o empleyado ay may mga karapatang kaugnay sa sahod.  Ipinapaliwanag ng susunod na bahagi ang mga karapatang ito at ang kabatayan nito sa mga batas ukol sa “minimum wage” at “overtime.”

Minimo o pinakamaliit na sahod (“minimum wage”)

Ayon sa pambansang batas ng Estados Unidos, mayroong karapatan sa sahod ang mga manggagawa.  Ang minimo o pinakamaliit na sahod ay $7.25 sa isang oras ng trabaho (mula noong ika-24 ng Hulyo, 2009).  Kung kinikita ng mga empleado ang tip (gratuity) higit sa $30 sa isang buwan, halimbawa sa isang restauran, maaring ituring ang tip bilang bahagi ng sahod.  Para sa mga kumikita ng tip, $2.13 sa isang oras ang minimong sahod na dapat na ibayad ng maypagawa.  Maaring magbayad ang maypagawa sa bawat piraso, halimbawa sa isang pabrika, basta’t humihigit ang kita ng minimong sahod.  Mayroong sariling batas tungkol sa minimong sahod ang iba’t-ibang estado at munisipyo.  Halimbawa, sa lungsod ng San Francisco, ang minimong sahod sa isang oras ng trabaho ay $9.79.  Para malaman kung magkano ang minimong sahod sa inyong lugar, tingan ninyo ang mapa at listahan sa website ng U.S. Department of Labor.

Pagbabayad sa “overtime”

Ayon sa pambansang batas ng Estados Unidos, kailangang ibayad ng mga maypagawa (employer) ang “overtime pay” sa mga empleyadong nagtatrabahong lampas sa 40 oras sa isang linggo.  Tinutukoy ng “overtime” ang mga oras ng trabahong lampas sa 40 oras sa isang linggo.  Ang halaga ng sahod para sa mga oras pang-“overtime” ay dumadami sa 1.5 ng karaniwang halaga ng sahod.  Halimbawa, may trabaho kayo sa isang restauran, at isang linggong nagtrabaho kayo ng 50 oras.  Ibig sabihin nito na nagtrabaho kayo ng 10 oras ng overtime sa linggo na iyan.  Kung $10 ang inyong karaniwang sahod sa isang oras, ang sahod mo sa bawat oras ng overtime ay $15.  Kung kinikita ninyo ang maayos na suweldo o nakabatay ang sahod ninyo sa bilang ng pirasong ginagawa ninyo, mayroon din kayong karapatan sa overtime.

Ibang mga mahahalagang depinisyon at patakaran

  • Depinisyon ng oras ng trabaho (“hours worked”): Ayon sa batas, napapabilang sa oras ng trabaho ang lahat ng oras na inaatasan ng maypagawa na naroon ang empleado sa lugar ng trabaho o “on duty.”  Kailangang bayaran ng mga maypagawa ang mga empleyado para sa lahat ng mga oras ng trabaho. Halimbawa, kung kailangan ninyong manatili sa trabaho habang tinatrabaho o tinatapos ninyo ang isang proyekto o gawain, dapat na bayaran kayo ng maypagawa kahit na wala sa orihinal na oras ang mga ekstrang oras na nanatili kayo sa trabaho.
  • Talaan o Recordkeeping: Kailangang panatilihin ng maypagawa ang husto at makatotohanang talaan o ulat tungkol sa bawat empleado at kaniyang mga oras ng trabaho, sahod, kita, pagbabawas halimbawa para sa buwis, at iba pa.  Kailangan din nilang ipakita ang talaan na ito sa isang empleyado kung nais niyang makita ang sariling talaan.
  • Oras ng paghihintay: Depende sa mga partikular na kalagayan kung napapabilang sa oras ng trabaho ang oras ng paghihintay.  Kadalasan, itinuturing ang oras ng paghihintay bilang oras ng trabaho kung ang empleado ay inaatasang maghintay ng maypagawa (“engaged to wait”) at hindi kung naghihintay ang empleyadong atasan ng maypagawa (“waiting to be engaged”).
  • Oras pang-“on call:” Kung ang empleyado ay inaatasang maging “on call” sa lugar ng trabaho, itinuturing ito bilang oras ng trabaho.  Kung malaya ang empleado habang “on call” siya, kadalasan hindi ito itinuturing na oras ng trabaho, pero depende palagi sa mga partikular na kalagayan ng trabaho.
  • Oras pampahinga at pampagkain: Ang mga patakaran tungkol sa oras pampahinga at -pagkain ay depende sa batas ng bawat estado at munisipyo.  Kadalasan, kailangang ibigay ng maypagawa ang labing-lima o dalawampung minuto ng pagpapahinga sa apat na oras ng trabaho, at kadalasan napapabilang ang oras na ito sa oras ng trabaho.  Kadalasan din, kailangang ibigay ng maypagawa ang oras para kumain, pero hindi napapabilang nang madalas ang oras na ito sa oras ng trabaho.  Para malaman kung anu-ano ang mga patakaran sa bawat estado, tingan ninyo ang listahan ng mga pang-estadong opisinang pampagawa sa website ng U.S. Department of Labor.
  • Oras pantulog: Kung mas maikli ang turnuhan o shift kaysa sa 24 oras, napapabilang ang lahat ng oras ng shift sa oras ng trabaho kahit na pinapayagan ng maypagawa ang empleyadong matulog o magpahinga.  Kung mas matagal ang shift kaysa sa 24 oras, depende sa mga partikular na kalagayan ng trabaho kung napapabilang ang oras pangtulog sa oras ng trabaho.
  • Pagdalo ng panayam, pulong, seminar, o kasanayan: Kadalasan napapabilang sa oras ng trabaho ang pagdalo ng mga panayam, pulong, seminar, or ibang kasanayan.  Hindi ito napapabilang sa oras ng trabaho kung: ang kasanayan ay sa labas ng karaniwang oras ng trabaho, hindi inaatasan ng maypagawang dumalo ang empleado, walang direktong kinalaman ang kasanayan sa trabaho ng empleado, at hindi ginagawa ng empleyado ang trabaho habang dumadalo.
  • Paggawa sa bahay: Ipinagbabawal ng pambansang batas ng Estados Unidos na atasang magtrabaho sa sariling bahay ang mga empleado.

Mga eksepsyon at uring trabahong liban sa patakaran

Ang ilang uring trabaho ay itinuturing na liban o eksepsyon sa batas pangminimong sahod at “overtime.”  Ang mga sumunod ay halimbawa ng mga ganitong uring trabaho:

  • Mga empleyadong pampangasiwaan (executive), pampamahala (administrative), at propesyonal (katulad ng mga guro at empleyadong pampangasiwaan pang-eskuwelahan, “outside sales employees,” at ilang propesyonal na may kasanayan sa computer);
  • Mga empleyado sa ilang pamanahong pasilidad ng libangan (seasonal recreational facilities);
  • Mga empleyado sa ilang maliliit na dyaryo at ilang empleado sa mga kumpanyang pangtelepono;
  • Mga mandaragat at marinerong may trabaho sa barkong dayuhan;
  • Mga mangingisda o may trabaho sa pangingisda;
  • Mga empleadong nagdadala ng dyaryo;
  • Mga empleado sa mga maliliit na sakahan (ginamit nito ang mas kaunti kaysa sa 500 araw ng trabaho [“man-days”] ng paggawa sa isang sangkapat ng nakaraang taon); at
  • Mga casual na tagapag-alaga ng mga bata at mga taong may trabaho bilang kasama para sa mga matatanda o may sakit.

Ang mga sumunod ay ilang halimbawa ng mga uring trabahong itinuturing na eksepsyon sa patakarang pang-“overtime:”

  • Ilang empleyadong binabayaran batay sa kaparte ng pagbebenta (commissioned employees) sa ilang tindahan at ibang negosyo;
  • Mga empleyado sa daambakal at airline, mga tsuper ng taxi, ilang tsuper ng trak, mandaragat sa mga barkong Amerikano, at mga lokal na tagapaghatid na (local delivery employees) binabayaran sa isang aprubadong plano ng sahod;
  • Mga katulong (“domestic service workers”) na nakatira sa bahay ng amo;
  • Mga empleyado sa mga sinehan;
  • Mga manggagawa sa mga sakahan.

Para sa listahan ng ibang mga eksepsyon, tingan ninyo ang website ng U.S. Department of Labor.

Kung naniniwala kayo na nilalabag ang inyong karapatang pansahod…

Ang mga patakarang pangsahod at –“overtime” ay nakabatay sa Fair Labor Standards Act of 1938.  Ipinatutupad ang mga patakarang ito ng Wage and Hour Division ng Employment Standards Administration ng U.S. Department of Labor.  Kung may paglabag ng batas na ito sa inyong lugar ng trabaho, maari kayong pumunta sa isang opisina ng Wage and Hours Division para malaman kung paano ihain ang reklamo sa pamahalaan.  Tingan ninyo ang listahan ng mga opisinang ito sa website ng U.S. Department of Labor.  Maaari rin ninyong tawagan ang Wage and Hours Division sa (+1) 866-487-9243.

Kung naniniwala kayo na sinusuway ang inyong karapatan dahil sa diskriminsayong pantrabaho…