Kasaysayan

Maikling Kasaysayan ng mga Karapatan ng Manggagawa

Maraming mahalagang salik na nagbubuo ng kasaysayan ng karapatang manggagawa.  Kadalasan, ang mga mamamayan ay naniniwala na ang batas ay sanhi pagkakaroon ng karapatan ng mga tao.  Sa halip, ang mga batas na pinaniniwalaan natin sa kasalukayan ay batay sa mga paniniwala na mayroong likas na karapatan ng mga tao, at bukod doon, ang tungkulin ng pamahalaan ay magtanggol ng likas na karapatan.  Sa paglipas ng kasasayan, marami ding mamamayan sa Estados Unidos ang naniwala sa dito.  Datapwa’t, kadalasan, hindi nagtatanggol o pumapansin ang pederal na pamahalaan ng karapatang manggagawa.  Dahil dito, ang kasaysayan ng karapatang manggagawa ay umunlad mula sa mga pakikibaka ng mga manggagawa.  Halos lahat ng mga batas para sa mga karapatang manggagawa na nakikita natin sa kasalakuyan ay nanggagaling sa kasaysayan ng pakikibaka ng mga kilusan ng mga manggagawa.  Ngunit, sa espesipiko, nanggagaling ito sa pagkilos ng mga organisasyong manggagawa.

Mga Mahalagang Karapatan

Maraming mahahalagang karapatang manggagawa, subalit ang pinakamahalagang karapatang manggagawa na itinataguyod ng International Labour Organization (ILO) ay ang sumusunod.

  • Una, ang mga manggagawa ay may karapatang sumali sa mga unyon na malaya mula sa paghihimasok ng pamahalaan at tagapangasiwa.
  • Ikalawa, ang mga manggagawa ay may karapatang makipagkasundo bilang bahagi ng grupo sa halip na mag-isa.
  • Ikatlo, bawal ang lahat ng mga anyo ng sapilitang trabaho, lalo na ang mapang-aliping trabaho at trabahong pangkulungan.  Dagdag pa rito, bawal ang trabaho bungang ng pamimilit o ‘duress’.
  • Ikaapat, bawal ang mabibigat na anyo ng trabahong pangkabataan.  Samakatwi’d mayroong minimong edad at mga kalagayang pangtatrabaho para sa mga kabataan.
  • Ikalima, bawal ang lahat ng mga anyo ng diskrimasyon sa trabaho: pantay na suweldo para sa parehong na trabaho.
  • Ikaanim, ang mga kalagayan ng pagtatrabaho ay dapat walang panganib at  ligtas sa mga manggagawa.  Pati kapaligiran at oras ng pagtatrabaho ay dapat walang panganib at ligtas.
  • Ikawalo, ang suweldo ng manggagawa ay sapat at karapat-dapat para sa makataong pamumuhay.

Pakikibaka para sa mga batas

Ang mga batas ng Estados Unidos na nakikita natin sa kasalukuyan ay nanggagaling sa  pakikibaka na nagmula noong ika-19 siglo.  Noong simula ng proseso ng pagsasaindustrya ng produksyon nagsimula din ang paglikha ng mga unyon.  Ang mga unyon, o ang kilusan ng mga manggagawa ay pinakamalakas na puwerang nagitaguyod ng karapatan ng mga manggagawa.  Subal’t ngayon, may pagkakaiba ang batas para sa collective labor at batas para sa mga karapatan ng indibidwal.

8 oras na karaniwang araw

Isang pinakaimportanteng batas na nagmula sa kilusan ng manggagawa ay ang batas ng 8 oras na karaniwang araw ng trabaho at 40 oras na lingguhang trabaho.  Bagama’t may ilang kilusan na nanawagan para sa makatarunang karaniwang araw, ang napakahalagang katalistang pangkasaysayan ay mga kilusan noong dekada ng 1870.  Ang 8 oras na karaniwang araw ay naging pangunahing pangangailangan ng maraming unyon at kapisanan.  Halimbawa, noong 1872, nag-welga ang mga manggagawa sa Siyudad ng New York at nanalo sila.  Sa Chicago naman, noong 1886, may pagpuksa ng ilang daang aktibista pagkatapos ng isang pambobomba sa protesta.  Ang protesta ay upang ipagtanggol ang karapatan ng manggagawa.  Pagkatapos ng dalawang taon, ang American Federation of Labor (AFL) ay nagpasiyang mapahayag na ang petsang ika-1 ng Mayo, 1890 ay magiging isang araw na hindi magtatrabaho ang mga manggagawa ng higit pa sa 8 oras.  Nang sumunod na taon, ang International Workingman’s Association (o ang ikalawang pandaigdig) ay sumang-ayon sa petsang ito.  Dahil dito, ang ika-1 ng Mayo ay naging petsa ng taunang pandaigdig protesta para sa mga karapatan ng manggagawa.  Datapwa’t, kahit may maraming pakikibakang nangyari sa lokal na nibel, halos tatlong dekada ang dumaan bago pinagtibay ang pederal na akto (Adamson Act) noong 1916.  Ang Adamson Act ay nagtakda ng 8 oras na karaniwang araw para sa mga manggagawa ng daambakal.  Sa wakas, noong 1938 nagpasa ang pederal na pamahalaan ng Fair Labor Standards Act at naging legal ang 8 oras na karaniwang araw para sa lahat ng manggagawa.

Minimong Suweldo

Ang isa pang halimbawa ng pakikibaka ng manggagawa upang magtatag ng batas pantrabaho ay ang minimong suweldo (o minimum wage).  Ang unang batas ng minimong suweldo ng Estados Unidos ay nagsimula noong 1938.  Datapwa’t noong ika-19 at maagang ika-20 siglo maraming pabrika na nagbabayad ng napakababang suweldo.  Kadalasan ang mga manggagawa sa mga pabrika ay mga kabataan at kababaihan.  Kadalasan din, ang kanilang suweldo ay masyadong mababa upang mamuhay.  Dahil dito, binigyang-tuon ang dapat na makatarungang suweldo para sa mga manggagawa.  Ngunit ngayon, nagbago na ang sanhi ng batas ng minimong suweldo.  Sa kasalakuyan, ang minimong suweldo ay paraan upang mabawasan ang mga pinakamahirap na kasapi ng lipunan.  Dagdag pa rito, mayroon iba’t-ibang mga minimong suweldo bawat isang estado, ngunit, mayroon ding isang pederal na minimong suweldo.Upang sa tala ng mga minimong suweldo bawat ng estado, maari kayo pumunta dito.

Ang papel ng ILO

Ang isang malakas na boses upang ipagtanggol ng mga batas pantrabaho sa pandaigdig ay ang ILO.  Ang ILO ay nagsimula pagkatapos ng Unang Pandaigdigang Digmaan.  Ngunit pagkatapos ng Ikalawang Pandaigdigang Digmaan, naging bahagi ng United Nations ang ILO.  Ang ILO ay naging kasangkapan upang bigyang-tuon ang ilang napakaimportanteng batas na pandaigdig.

Kaligtasan at Kalusugan

Ang isang pamana mula sa pakikibaka ng mga 8 oras karaniwang araw at minimong suweldo ay mga kilusan para sa kaligtasan at kalusugan ng mga manggagawa at kaligirang trabaho.  Nagkaroon ng mga batas ng kaligtasan at kalusugan noong 1950.  Ang ILO at World Health Organization (WHO) ay nagkaisa upang magpasiya ang depinisyon ng kalusugang pantrabaho.  Datapwa’t, hindi natatag ang Occupational Safety and Health Act hanggang 1970 sa estados Unidos.  Mula sa aktong ito, nilikha ang National Institute for Occupational Safety and Health (NIOSH) at ang Occupational Safety and Health Administration (OSHA).

Diskriminasyon

Dagdag pa rito, ang mahalagang batas ay ang mga batas na nagbabawal sa diskriminasyon.  Sa Estados Unidos nagkaroon ng ilang batas upang labanan ay diskriminasyong pantrabaho.  Kabilang sa mga batas ng pederal na pamahalaan ng Estados Unidos ay laban sa diskriminasyon batay sa lahi, kasarian, pagbubuntis, pananamplataya, nasyonalidad, pagkabalda (disibilidad), o edad.  Nakabatay ang mga batas sa Equal Pay Act at Fair Labor Standards Act noong 1963 at ang Civil Rights Act noong 1964.  Subali’t, sa katotohanan hindi magkakaroon ng mga batas na ito kung hindi nagsikap at nakibaka ang mga mamamayan (lalo na ang mga taong African American) para sa karapatang pansibil, noong dekada ’50 at ’60.  Mula sa pamana ng kilusan ng mga karapatang pansibil, ang estado o pamahalaan ay naging mas liberal kaysa sa dati.  Dahil dito, ang mas liberal na pamahalaan ay nagpatuloy ng paglaban sa diskriminasyon sa lugar ng trabaho.  Noong 1973, nagpasa ang pederal na pamahalaan ng Rehabilitation Act upang magbawal ng diskriminasyon ng mga tauhang may kapansanan.  Noong 1978 naman ang pamahalaan ay nagpasa ng Pregnancy Discrimination Act at nagsusog ng Age Discrimination in Employment Act.  Sa kasalukuyan, ang mga batas na naglalaban sa diskriminasyon ay batas sa ilang aktong ito.

Mga Overseas Filipino Workers (OFW)

Ayon sa mga opisyal na bilang, mayroong 11 milyong  OFW na nagtatrabaho sa ibayong-dagat.  Sa Estados Unidos mismo, mayroong mahigit na 4 milyong OFW at Filipinong taga-Amerika.  Ang wikang Filipino (o Tagalog) ay panglimang sa mga wikang may pinakaraming tagapagsalita sa Amerika.  Dahil dito, mahalaga ang pagtatrabaho ng OFW sa Estados Unidos, lalo na ang kanilang mga boses upang magbantay ng kanilang sariling karapatan.  Mahaba ang kasasayan ng Pilipinas at Estados Unidos.  Mula sa pagsasakop ng Amerika sa Pilipinas noong ika-1898 hanggang ika-1946, at ang pagtaguyod ni dating pangulong Ferdinand Marcos ang mga programa ng pagluwas ng Pilipinong manggagagawa noong dekada ‘60, ‘70 at ‘80, mahigit isang siglo na ang pagpasok ng mga mamayan ng Pilipinas sa Estados Unidos.  Sa kasalukuyan, karamihan sa sanhi ng pagdami ng bilang ng OFW, halimbawa: ang paglulubog ng ekonomiya ng Pilipinas sa pagkakautang sa mga dayuhang institusyon at ang kagustuhan ng Estados Unidos na magkaroon ng mas murang lakas-paggawa.  Kahit masalimuot ang kaugnayan ng bansang Pilipinas at Estados Unidos hindi masalimuot ang karapatang manggagawa.  At ayon sa ILO, katulad ng karapatang pantao, ang karapatang manggagawa ay hindi tumitigil sa hangganan ng bansang-estado.  Samakatwid, kahit ano ang kalagayan o kondisyon ng papeles ng tao, mayroon pa rin silang karapatan, at hindi sila maaaring pagsamantalahan.  Kaya, kailangan maunawaan ng mga OFW ang karapatan nila at kung paano sila mangaalaga ng kanilang karapatan sa pamamagitan ng mga batas na pantrabaho ng Estados Unidos.

Katapusan

Ang kasaysayan ng mga batas pantrabaho sa Estados Unidos ay masalimuot na bahagi, ngunit, mahalaga din para sa pag-unlad ng bansa.  Mula sa pawis ng mga manggagawa naging napakalakas at napakayaman ng mga korporasyon at pamahalaan ng bansa.  Subalit, ang mga batas na nakikita natin sa kasalakuyan ay naganap dahil sa mga kilusan para sa, at paniniwala sa, mga likas na karapatan ng mga manggagawa.  Sana ang mga maikling bahagi ng kasaysayang nabanggit ay nagpaliwanag ng pinakaimportanteng papel ng mga manggagawa sa paggabay ng kanilang tadhana.  At sana din, magpapatuloy ang mga kolektibong kilusan upang magtanggol at makibaka para sa mga karapatan ng manggagawa.

image by Eric Drooker